Wednesday, September 26, 2007

i really miss home

hay magtatagalog muna ako at masakit pa ang ulo ko kakatapos nung report namin kagabi. gusto ko nga sana mag MC ngayon pero syempre hindi pwede...

ewan ko ba nagsesenti na naman ako. pano naman halos mamatay matay na ako sa dami ng trabaho ko! 4 ba naman ang clients ko ngayon. o diva? superwoman ang dating ko! sheett... nakakapagod na mga tito at tita. kakaloka na tlaga!!!

anyway, nung isang gabi (hindi kagabi, yung gabi bago kagabi hehehe labo) nag overtime ako (sigh yes, overtime... kahit na yaw ko e kelangan no choice.) e bigla na lang may pinadala ang aking pinakamamahal na inay na litrato... grabe. sobrang natuwa tlaga ako. as in laki ng ngiti ko!

e ikaw ba naman send-an ng ganitong pic:

hehehe ang cute ng baby ko no? :) sobrang mingaw (miss in bisaya) na... how i wish pwede ko cya isama dito. kaso si mama naman ang malulungkot (apo daw nya yan hahaha... feeling tao tuloy ang aso ko). cute cute no? :) halatang nageenjoy kakakinig hehe... ignorante kasi yan. pagpasencyahan nyo na...
eto pa isang picture:

ay sus! ang cute. hahaha... although medyo madumi na cya. hahaha... 2 yrs old na yan pero mukha pa ding puppy. hehe. biased lang siguro ako pero sobrang cute nya talaga! hahaha...

ayun lang. wala kasi ako magawa ngayon. ayaw ko naman mag trabaho so papetiks petiks muna haha!

*****************************************

mooncake festival pala kagabi. grabe muntik na ako maiyak... pano kahit magkalayo kami ni mama sabay pa din kami kumain ng mooncake! haha natetext-an pa kami na "o kakain na ako." grabe long distance din ang relationship namin ni mama! kakamiss tuloy lalo. muntik na talaga ako maiyak sa bus. pinigilan ko lang tlaga.

bumili din ako mooncake para kay aimee at che. hehe swerte daw sabi ni mama e! e kelangan namin ng swerte ngayon :)

*********************************************

si lui... ayun nasa manila... hehe inaasikaso ang mga papeles for marriage license. dami kasi prob nung mga papeles nya. bwahahaa. but pa yung akin! ;p joke. pupunta din cya divi ngayon para bumili ng mga tela para sa mga ninong at ninang. good luck sa kanya! hahaha. ngayon lam na nya kung gano kahirap ang preps. nagrereklamo na nga kagabi e! hahaha

ayun. eto na lang. mukha ata akong bangag hahaha. meds :)

2 comments:

ToFFee said...

wow! she's soo cute!

my mom is alsi filipina who's also a W@W member.. she got your blog from the emails.. sadly she doesn't have any blog of herself.. she's very boring.. hehehe..

she has her weddingannouncer though

http://chris-irvi.weddingannouncer.com

I'm here with them in abroad.. =)

wuffs,
Toffee

Michelle said...

haaaay na miss ko bigla mom ko when I read your blog! we became closer when i moved here. dati nung asa pinas ako, lagi kami bangayan...and about crying while inside the bus--ay naku lagi ko ginagawa yan, mapatayo, mapaupo sa bus, pagstart na ko magisip abt home, hay cry na ako! kahit ngayon na almost 4 years na ko here, cryola pa rin ako ANYWHERE!!!