Showing posts with label home. Show all posts
Showing posts with label home. Show all posts

Thursday, October 25, 2007

cant wait for nov 22!

oohhhh.... i cant wait for nov 22!!! but it's almost a month away!! hmm.. but i think ill be too busy with work to notice the time... it'll fly by. reaaally fast.

so wats up with nov22??? im going home!! wooottt! hahaha... i just filed my leave today... hahaha tinayuan ko yung senior manager namin! as in di ko umalis sa tabi nya hanggat di nya pinipirmahan yung leave application ko hahaha! i was soo happy!

(pasencya na nagtatagalog ako meron kasi nagbabasa ng blog ko na mga kaopisina ko. lam nyo na. medyo ingat lang hahaha)

so wats with nov22? actually, we (lui and myself) need to go home to process our church requirements... pre-cana, canonical interview, atbp! but the real reason i want to go home is... pagod na pagod na pagod na ako... sa work sa mga tao dito gusto ko lang maiba ang ihip ng hangin...

at syempre gusto ko naman pumunta dun sa pagtitipon tipon ng mga wawies no! hahaha! excited na ako...

hay miss ko na din mama ko... aug pa ako last umuwi. tagal na din yun. usually kasi tig 2 months lang gap ng uwi ko. sigh. pati na din syempre ang baby ko...

and i might be going to shanghai on the 26th... that one is 70% sure. more or less going... so i want the time to go home first before i go china :) exciting times, i tell ya :)

yun lang. antok na ako... malapit na 3 months countdown!!! uwahhh! hahahaa ano ba yan para akong bangag. bwehihi...

Wednesday, September 26, 2007

i really miss home

hay magtatagalog muna ako at masakit pa ang ulo ko kakatapos nung report namin kagabi. gusto ko nga sana mag MC ngayon pero syempre hindi pwede...

ewan ko ba nagsesenti na naman ako. pano naman halos mamatay matay na ako sa dami ng trabaho ko! 4 ba naman ang clients ko ngayon. o diva? superwoman ang dating ko! sheett... nakakapagod na mga tito at tita. kakaloka na tlaga!!!

anyway, nung isang gabi (hindi kagabi, yung gabi bago kagabi hehehe labo) nag overtime ako (sigh yes, overtime... kahit na yaw ko e kelangan no choice.) e bigla na lang may pinadala ang aking pinakamamahal na inay na litrato... grabe. sobrang natuwa tlaga ako. as in laki ng ngiti ko!

e ikaw ba naman send-an ng ganitong pic:

hehehe ang cute ng baby ko no? :) sobrang mingaw (miss in bisaya) na... how i wish pwede ko cya isama dito. kaso si mama naman ang malulungkot (apo daw nya yan hahaha... feeling tao tuloy ang aso ko). cute cute no? :) halatang nageenjoy kakakinig hehe... ignorante kasi yan. pagpasencyahan nyo na...
eto pa isang picture:

ay sus! ang cute. hahaha... although medyo madumi na cya. hahaha... 2 yrs old na yan pero mukha pa ding puppy. hehe. biased lang siguro ako pero sobrang cute nya talaga! hahaha...

ayun lang. wala kasi ako magawa ngayon. ayaw ko naman mag trabaho so papetiks petiks muna haha!

*****************************************

mooncake festival pala kagabi. grabe muntik na ako maiyak... pano kahit magkalayo kami ni mama sabay pa din kami kumain ng mooncake! haha natetext-an pa kami na "o kakain na ako." grabe long distance din ang relationship namin ni mama! kakamiss tuloy lalo. muntik na talaga ako maiyak sa bus. pinigilan ko lang tlaga.

bumili din ako mooncake para kay aimee at che. hehe swerte daw sabi ni mama e! e kelangan namin ng swerte ngayon :)

*********************************************

si lui... ayun nasa manila... hehe inaasikaso ang mga papeles for marriage license. dami kasi prob nung mga papeles nya. bwahahaa. but pa yung akin! ;p joke. pupunta din cya divi ngayon para bumili ng mga tela para sa mga ninong at ninang. good luck sa kanya! hahaha. ngayon lam na nya kung gano kahirap ang preps. nagrereklamo na nga kagabi e! hahaha

ayun. eto na lang. mukha ata akong bangag hahaha. meds :)

Thursday, September 20, 2007

i miss my mom's cooking.. :(

went through my picasa album and realized that i havent posted new pics for so long! need to update it soon...

anyway, i came across the pics i took last december when i celebrated christmas in manila and saw this:

lui and my sis devouring the food!

close up on the food

grabe my tummy literally growled when i saw these pictures... nakakamiss... nakakagutom... nakakalungkot. i wanna go home!!!

sigh :( oh well, a few more months and im in manila na! (hope i can last that long)